Puntod ng Kamhantik | |
Kinaroroonan | Mulanay, lalawigan ng Quezon |
---|---|
Mga koordinado | 13°31′13″N 122°25′13″E / 13.52028°N 122.42028°E |
Klase | Kompleks ng puntod / lugar ng libigan |
Bahagi ng | Pilipinas |
Lawak | 5 ektarya |
Kasaysayan | |
Materyal | Apog |
Itinatag | c. ika-9 na dantaon |
Nilisan | c. ika-15 dantaon |
Mga kultura | Sinaunang Tagalog |
Kaugnay sa | Mga Maharlika at mga karaniwang tao |
Pagtatalá | |
Hinukay noong | 2011–2012 |
Pamunuan | Nakaprotektang Tanawin ng Buenavista ng Mulanay, Quezon, Pambansang Museo ng Pilipinas |
Ang mga puntod na apog ng Kamhantik (Ingles: Limestone Tombs of Kamhantik) ay isang pook pang-arkeolohiya kung saan matatagpuan ang mga labi na tinatayang nailibing noong sinaunang panahong bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga puntod sa mga gubat ng Bundok Kamhantik sa loob ng Buenavista Protected Landscape o Nakaprotektang Tanawin ng Buenavista ng bayan ng Mulanay, Quezon, Pilipinas. Sa teoriya ng mga eksperto, indikasyon ang mga puntod na ito na may malapit na pamayanan o barangay (isang terminong ginamit upang ipakahulugan ang isang kaayusang pampamahalaan noong klasikong panahon) na naging pinanirahan ng mga sinaunang tao sa lugar na ito. Malawak na pinaniniwalaan na mga Austronesyo, partikular ang mga Tagalog bago ang kolonya, ang lumikha ng mga libingan.
Binubuo ito ng labing-limang puntod na apog at batay sa nangungunang arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas na "isang kompleks na pook pang-arekolohiya na may parehong tirahan at mga labi mula sa panahon ng humigit-kumulang ika-10 hanggang ika-14 dantaon ... ang unang ganitong uri sa Pilipinas na inukit na apog na libingan." [1] Gayunpaman, pagkatapos ng pagpetsa ng karbono o carbon-dating ng mga buto ng tao na natagpuan sa pook, nalaman na mas luma ang lugar na tinatayang nasa pagitan ng 890-1030 AD.[2] Bukod sa labi ng mga tao at puntod, natagpuan din ang mga palayok at mga ibang buto ng hayop tulad ng unggoy, at baboy-ramo.[3]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search